Wednesday, October 19, 2005
clearance
Malapit na naman ang kuhanan ng clearance. May mabibitay na naman nyan sa klase. 3 students daw sa klase namin ang bumagsak sa advance accounting, six units pa naman. Ayokong may bumabagsak, nakakapanghinayang. Kung may magagawa lang sana ako. Ma-share ko lang kanina ko lang na-realize na may mga tao pala talagang ipinanganak na genius. I have this classmate na babae. I observe her everyday. Bihira gumawa ng assignment ang taong to. Nginingitian lang nya mga professors pag tinatawag sya, palibhasa eh beautiful girl talaga sya.(Blind item kuno haha)pag malapit na exams eh namomroblema sya, kasi ang dami nyang problem subjects which is totoo naman. Pero pag nagbigayan ng results, abot ngiti sya kasi pasado at ang tataas pa ng grades! Isa sa mga genius na taong kilala ko. Hay, but accounting is not only for genius. Sabi nga sa Naruto eh "a hardworking ninja can beat a real genius" which is true! Pag masipag ka eh wala kang dahilan para bumagsak, pero minsan kahit anong sipag mo eh bagsak pa rin ang aabutin mo. Minsan pag alam mong genius ka eh nakakatamad na mag-aral. Mahirap maging hardworking genius. Sana wala akong bagsak...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment