Tuesday, December 20, 2005

Kahapon ay nagsagawa kami ng isang Christmas party. Actually kakauwi ko lang ng bahay ngayon(7:30 am) kasi overnight yun. Eto na yata ang pinaka masayang Christmas Party na naranasan ko. Buti na lang at pumayag si Franz na mag party kami sa kanila. Kumpleto rikados, may program at foods. I gotta give credit to Erika and Marson for preparing a fun and memorable program, compose of games and contest as well as special numbers. Muntik na nga ako manalo bilang "Ultimate Singing Sensation" hahaha kumanta ako Bohemian Rhapsody at for the first time sa buong buhay ko ay nagwala ako habang hawak ko ang magicsing. Sana nagustuhan ng klase ang high level performance ko hahaha Wala akong masasabi sa sarap ng mga foods namin. Sagot nga pala namin ni Grace at Winnie ang hotdog with marshmallows. Subalit sa di inaasahang pagkakataon eh natunaw ang mga mallows sa sobrang init ng mga hotdog =) Sobrang high na high ako sa kakatawa, at wala kaming tulugan. Magdamag kaming nag videoke at nung mga bandang madaling araw eh nag truth or dare. Sa bandang huli eh puro truth na lang at nauwi sa sharing. Isa lang ang masasabi ko, kung gaano ka talented ang mga tao rito eh ganun halus lahat kasawi sa pag ibig. Natuwa ako sa sharing kasi madami akong natutunan at syempre mas gaganda ang samahan ng klase. Natapos ang party ng isang pa raffle hahaha pinaraffle nila ang mga tira tirang pagkain, nanalo ako ng puro tsokolate at least hindi toothpick or cheestick na malamig hahaha. Sabay sabay kaming umuwi. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ako nagsasasama noon sa gimmick ng klase. Di ko alam na ganito pala kasaya. Sana maulit pa to. I can't help but fall in love with these people.

No comments: