Sunday, April 30, 2006

Napakahiwaga nga naman ng pag-ibig. Ang alam ko sa sarili ko eh ayaw kitang makita. Kasi feeling ko wala rin naman akong kwenta. At tsaka wala naman akong karapatan magalit kasi buhay mo yan. Pero as usual nagagalit ako, pero sa sarili ko na lang yun. Ang totoo eh gusto kitang kamustahin pero pilit na umiiwas ang pagkatao ko. Sa bandang huli eh nakakalungkot, kailangan na lang palipasin. Pinagdadasal pa rin kita hanggang ngayon. Nandito ka pa rin sa pagkatao ko. Sana mag krus uli ang landas natin, at makausap man lang kita kahit saglit lang, pag hindi na ako naiilang sayo. Pasalamat na lang ako at ikaw pa ang unang pumapansin sa akin, salamat ng marami. Whenever I had the courage to love somebody new, it always falls apart coz they just cant compare to you.

No comments: