Tuesday, June 21, 2005

no clases


Hay nako, parang bakasyon pa rin dito sa Uste. 4 hours na nga lang ang klase ko tapos suspended pa yung first 2 hours. Nandyan kasi si Mr. Velayo.(Yung alumni na may ari ng SGV) Kung titingnan mo 4 hours maikli nga naman pero hitik sa pag aaral. 4 hours kang nagcocompute ng mga problems. Kung minsan parang nadadalian ako sa course ko(naks yabang), hilig ko kasing mag compute. Pero madalas eh nadadala ako ng katamaran. Minsan kahit anong aral mo, mababa pa rin ang makukuha sa mga quiz. Yung sagot mo kasi lalabas batay sa pag analyze mo sa problem. So pag mali ang pagkakaintindi mo sa problem eh mali ka na. Kung minsan nga grammar lang ang magpapamali sayo. Next year board na. Sabi nga ng mga prof namin eh hindi kami aabot dito kung hindi namin kaya. Naalala ko tuloy si mama ko. Sabi nya kasi sakin nung bata pa kami eh matuto kaming magbasa. As in magbasa ng magbasa. Well sinunod ko naman sya noon kaya nga lumabo mata ko eh hahaha. Speaking of books, worth 2500 lahat ng libro namin ngayong semester. Nakakatamad pa namang basahin kapag makapal tapos ang liliit pa ng sulat hahaha. Sana makaya ng memory ko to. Yun lang. Good Day! = )

No comments: