Friday, March 10, 2006
Grabe, hindi ko alam kung pano pa nagkakasya ang sandamakmak na papel sa mumunti kong bag. Mukhang wala na naman akong natutunan ngayong araw na to. Naubos kasi ang oras ko sa kakakopya ng mga sagot. Di bale marami naman akong oras ngayon. Mukhang kailangan ko na mag aral ngayon dahil hindi naman ako makakapasok sa library bukas. Korek, sa ikaw anim na pagkakataon eh nawala ko na naman aking i.d. Alam ko na kung bakit ako madalas inaantok at napapagod. Kailangan ko ng palitan ang eyeglasses ko. Di lang nila napapansin pero sira na ang kanang bahagi nito. Malabo na rin siya at mukhang fully depriciated na. Medyo napamahal na rin sakin tong salamin na to, may istorya kasi kung papaano ko ito nabili. Ma try ko naman mag contacts for a change baka bagay sakin. Mabuti na lang at umambon kanina kahit konti at medyo nahimasmasan ang init na dala ng panahon. If I just breath, let it fill the space between, you'll see everything will be alright.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment