Wednesday, March 29, 2006

Hmmm Canceled ang outing, mabuti naman. Kasi kung konti lang ang sasama eh hindi rin masaya. So sana naman next time eh madami ang makakasama at ayaw ko na makakarinig ng hindi pwede. Pero baka hindi na ako makasama next time, sa tingin ko lang. Malakas talaga ang kutob ko na kasama ako sa mga bumagsak sa auditing. Pag kinutob pa naman ako eh nagkakatotoo. Pero di bale, ready naman ako kung sakaling magkaganun nga. Wish ko lang sa mga klasymets ko na pumasa sila lahat. Dapat 100 percent. Makakapasa naman lahat delay nga lang ako kung baka sakali. Mauuna lang kayo nang ilang buwan, pero bukod dun wala namang mababago. To be standing here at all, I must be invincible.

No comments: