Wednesday, May 24, 2006

Nakasalubong ko si Sir Agamata kanina. Nakakatuwa naman at inackwoldege nya ako. Nagkausap kami at ang sabi nya eh pagbutihan ko daw. Tama nga naman siya, na yung mga binibigay niyang exams dati eh pang board level na nga. Although marami ang hindi gusto ang kanyang istilo ng pagtuturo, para sa akin eh siya pinaka-paborito kong professor. Gusto ko maging katulad niya balang araw hehehe
Dahil sa sobrang wala kaming magawa ni pareng Harold kanina eh nagawa naming mag mall hopping. Mula SM san lazaro papuntang Greenhills. Nag ka canvas kasi ng psp games, minabuti ko na ring mag canvas ng cellphone hehe.
Buti na lang at wala ng klase, dahil kung meron malamang nasa hot seat na naman ako. Kina Dada, France and Maya, sorry na lang ha at bigla akong umalis. =) Ang dami nyo kasing tanong eh. Ang masasabi ko lang eh masayang masaya lang talaga ako ngayon. I know I am always be just a friend. But if you look my way I'll make sure you'll never hurt again.

No comments: